IMAGE IS LOADING, PLS BE PATIENT.

Friday, June 16, 2006

I woke up at 4:07am. Ang agaaa. Umuulan kasi sa kwarto ko. Aii. Yun naman. Plan ko rin na i-surprise dad ko ngayon for father's day. Haha. Bakit ngayon?

  1. Sinabi kasi ni Jas sakanya na may surprise kami kay daddy. So kung sa father's ko gagawin, hindi na siya masusurprise kasi alam na niya na may mangyayari.
  2. Bukas, pupunta kami ng Cavite. Kaya hindi pwede.
  3. Sa father's day baka nasa Vista Verde kami kasi paguwi namin galing sa Cavite dun kami matutulog.

Ano ginawa ko? Medyo corny. Aii. Uhm. Pumasok ako sa master's bedroom habang natutulog siya. Tapos may ginawa akong CD na pampagising. Parang sa PBB, yung wake-up call. Ayun, may recording kami nila Jas. Sa labas ng master's bedroom may nilagay ako na cartolina na nakalagay "Happy Father's Day" tapos dinesignan nila AJ. Sa baba (floor) ng cartolina may mga arrows na may nakasulat na messages para kay daddy. Yung arrows papunta sa dining room. Sa table may breakfast si daddy na nakahanda. Ayun. Haha.

Aliw ako sa sarili ko. Nagising ako ng 4am ng walang gumigising sa akin. Tas naka labas ako ng kwarto magisa tapos nakababa pa ako! Hahaha. Nakaluto pa ko. Nagstay ako sa baba ng 4am-6am. Hindi ako naduwag.

So ngayon, si AJ, Jas saka si daddy nasa master's bedroom. Nakahiga sila. Mga inaantok pa kasi ginising ko.

Anyway, pupunta ako ng school later. Oh yeeeeeah! Kaya lang, hindi ko pa alam kung paano ako pupunta dun. Oh well. Sana sunduin ako ni kuya Jhay. Hahaha.

Sooo. Yun. I'll update na lang later. Babay.


Add colours to your life!!
7:08 AM

|