IMAGE IS LOADING, PLS BE PATIENT.

Tuesday, May 02, 2006

laguna and trumpets

Kakauwi lang ni Jean. She was here earlier. Naginternet lang siya sa kwarto ko tapos ako sa kwarto ni daddy. I was uploading our Laguna pics in my Multiply kasi. So there.

I also had Trumpets a while ago. I had fun and this time, todo bigay ako so I was really sweating. Kapagod saka ang sakit sa katawan. Wala pa naman akong pahinga from our swimming yesterday and the other day kaya sobrang sakit ng katawan ko ngayon specially my shoulders.

Kwento ko tungkol sa Laguna namin. Aii. Baka kasi yung dalawa kong kaibigan interested. Hahahaha. Bea? Kiesha? You reading this? Aii.

Any, we left at 12:30pm. We went to Vista Verde to fetch my cousins and my titas and titos. Pagpasok nila sa van, siksikaaan. Aii. Nasa pinakalikod ako katabi ko si Ian (bea? kiesha? haha) tapos katabi niya si Clarice. Malamang, tatlo kaming magkakatabi.

Anyway, pumunta kami sa Parkwood kasi nandoon yung isa kong tita na kasama yung family niya na may alam kung anong resort pupuntahan namin sa Laguna. So we arrived there at about 1 something. We were waiting for her father kaya kain muna kami dun sa small store na katabi nung house nila. Dumating yung dad niya mga 3pm. Wow. Haha. Ganun pala kami katagal naghintay. Hindi halata kasi we had fun naman. Yata?

So yun, umalis na kami tapos 2 hrs. yung byahe namin. Woo. Sakit sa pwet. Ito, FIRST TIME KONG BUMYAHE NG HINDI NAKATULOG SA VAN. Oh yeah. Proud na proud ako dun. Eh paano ba naman ako makakatulog kung katabi ko si Ian? Sobra, lahat ng bagay napaguusapan namin kasi kung ano ano inoopen niya na topic. Tapos nangangarap siya na sana daw kumain kami sa Pancake House saka sa Starbucks kasi nakaka-miss na daw. Agree naman ako. Pero dahil sakanya lalo ako nagutom. Tsss.

Finally, dumating na kami sa place. 5pm. Ayos naman. Ang ganda ng pool kasi mahaba. Parang sa school pero mas mapayat. Aii? Haha. Tapos connected yung mahabang pool sa kiddie pool. Kahit yung kiddie pool malaki din. Tapos yung kwarto malaki tapos 4 twin size beds, airconditioned din. Nagdinner kami tapos nagswim kami ng mga 6:30. Ang saya. Sobra. Nagdala kami ng salbabida tapos humihiga ako dun tas lumulutang lang ako. Aii. Ang init pa ng water kaya kahit gabi na hindi kami giniginaw. Umahon kami mga 1:30am na. Bagsak kami agad sa kama.

We woke up at 9am. Maaga na yun para sakin. Haha. Nagbreakfast kami tapos mga 10:30 nagswim na kami. Ingat na ingat kami sa paglagay ng sunblock. Kailangan bawat parte ng katawan namin na exposed merong sunblock. Hahaha. Takot umitim eh. Swim kami. Benta yung kiddie pool. Kakalagay nila ng water napuno masyado na naging lubog na ung mga batang nagsswim. Haha. Kaya pagmay sun, dun kami nagsswim kasi may roof. Hahaha. So umaahon kami minsan pagkakain or pagmaglalagay ng sunblock.

Umuwi kami ng mga 5:30pm. Nung time na 'yon pinagdadasal talaga namin ni Ian na sana magstop-over kami somewhere. Fortunately, our prayer was answered. Haha. Pinagkkwentuhan kasi namin na ang sarap kumain sa Chowking para magutom silang lahat. Tapos ayun. Nagstop muna kami. Sayang sa Chowking kasi may nagsshooting. Grrr. So kumain kami sa ibang resto. Nagseattle's din kami. I ordered Double Mint Chocolate Chip. Gusto ko kasi i-try magmint. Ayos naman pero mas gusto ko walang mint.

This time nakatulog na ako. Sabi ko kasi kay Ian patulugin naman niya ko. Nung una ginugulo pa niya ko. Pero tumahimik din siya. Yun nga lang, ang gulo niya halatang di mapakali. Bumaba sila Clarice sa Alabang para sumakay ng bus pauwi sa CavitE. Tapos sila Ian bumaba sa Vista VerdE. Tapos kami sa bahay-E? Haha. Tinignan muna namin yung bahay ni Tiger Woods sa internet. ANG GANDA. SOBRA. Tapos natulog na kami. Ayun.

So theeere. I had a WONDERFUL weekend. Soooo. Rest na ako. Good night everyone.

Add colours to your life!!
9:21 PM

|